Friday, 30 December 2011

Late Message

       Gabi na nang nakauwi sa bahay si Nevermore galing BSU ( dun kasi sya nag-aaral eh, at siya ay engineering student ) , nang gabing iyon pagkauwi niya ng bahay kumain kaagad siya at nagpahinga ng saglit . Kinabukasan pala ay finals na nila sa algebra , trigonometry , logic at chemistry , at isa may ipapasa pa siyang plates sa drawing subject niya na kailangang ipasa bukas, ang hirap ng isked ko napakahektik Lord Help Me!!  ika niya .
                                      

                   Pagkatapos niya nga magdasal, agad-agad niyang binuklat ang notebook , mga libro at gamit niya sa draw . Inuna agad niyang tapusin ang plates niya sa draw kung saan nakatatlong ulit siya dito. Hay! hirap !!. Tumingin siya sa orasan , alas dose na pala may apat na oras pa ako para magrebyu, kayang-kaya ko to aja!!.
      Rebyu! rebyu! , rebyu lang ng rebyu si Nevermore hanggang  sa maaral niya ng mabuti ang mga notes niya , (alas kwatro na nang umaga siya matapos magrebyu) hay! natapos din ako mag-rebyu sure na sure nako na maipapasa ko lahat ng exam mamaya kaya makatulog muna ng isang oras pagkatapos makapasok na.
              
 
        Mahimbing na nakatulog si Nevermore .
 Makalipas ang isang oras nagising na siya , reding-redi na pumasok . Nakagayak na siya at papasok na sa BSU nang biglang nagring ang cellphone niya . Nabasa niya ang text, pagkabasa niya agad niyang binalibag ang cellphone dahil wala pala silang pasok ngayon at alas diyes pa ng gabi yung text message na yun na galing sa kanilang class president. Napamura si Nevermore at sinigaw niya bwiset na TM to nalate message pa yung mga text  .

 AYOKO NANG MAG-ARAL NAY!!!!!!!!!!!!!


Wednesday, 28 December 2011




 Nang una kong narinig ang kantang Magkabilaan ni Joey Ayala medyo nagaraan ako kasi masyadong old school hindi tulad ng mga nakasanayan kong mga tugtugan na puro rock music.
Base sa mga liriko ng kanta ang mundo raw ay magkabilaan, ang magkabilaan ay kung anu yung isa, ang isa naman ay kabaliktaran ng kahulugan ng isa . Ang masasabi ko naman sa kanta ay ginawa siguro ito ni joey ayala siguro dahil sa kasalukuyang kaganapan sa ating panahon.




"Krismas Inis"

    Isang magandang araw sa bumabasa ng blog na ito. Itong blog na ginawa ko ay tungkol sa aking pinakanakakainis na karanasan noong Christmas break .

    Ang pinakanakakainis kong karanasan ay hindi ko nakumpleto yung simbang gabi kung kelan huling simba na hindi pa ka ako nakapagsimba , samantalang noong umagang iyon  maaga pa naman akong  nagising para magsimbang gabi, ang kaso ay napapangit pa yung gising na yun dahil nasabi ko sa isip ko na masyado pang maaga mamayang 3:30 na lang makagayak malapit lang naman yung simbahan e , kaya iyon sa sobrang tamad kong gumayak hindi ko tuloy nakumpleto ang simbang gabi . Inis talaga ako nun kasi alas sais na ko nagising ulit tapos na ang misa, napamura nga ako e kasi hindi ako nakapagsimba sayang talaga hindi tuloy ako nakahiling "pagka daw kasi nakakumplketo ka ng simbang gabi e matutupad daw yung hiniling mo"  di bale may susunod na taon pa naman e.