Friday, 30 December 2011

Late Message

       Gabi na nang nakauwi sa bahay si Nevermore galing BSU ( dun kasi sya nag-aaral eh, at siya ay engineering student ) , nang gabing iyon pagkauwi niya ng bahay kumain kaagad siya at nagpahinga ng saglit . Kinabukasan pala ay finals na nila sa algebra , trigonometry , logic at chemistry , at isa may ipapasa pa siyang plates sa drawing subject niya na kailangang ipasa bukas, ang hirap ng isked ko napakahektik Lord Help Me!!  ika niya .
                                      

                   Pagkatapos niya nga magdasal, agad-agad niyang binuklat ang notebook , mga libro at gamit niya sa draw . Inuna agad niyang tapusin ang plates niya sa draw kung saan nakatatlong ulit siya dito. Hay! hirap !!. Tumingin siya sa orasan , alas dose na pala may apat na oras pa ako para magrebyu, kayang-kaya ko to aja!!.
      Rebyu! rebyu! , rebyu lang ng rebyu si Nevermore hanggang  sa maaral niya ng mabuti ang mga notes niya , (alas kwatro na nang umaga siya matapos magrebyu) hay! natapos din ako mag-rebyu sure na sure nako na maipapasa ko lahat ng exam mamaya kaya makatulog muna ng isang oras pagkatapos makapasok na.
              
 
        Mahimbing na nakatulog si Nevermore .
 Makalipas ang isang oras nagising na siya , reding-redi na pumasok . Nakagayak na siya at papasok na sa BSU nang biglang nagring ang cellphone niya . Nabasa niya ang text, pagkabasa niya agad niyang binalibag ang cellphone dahil wala pala silang pasok ngayon at alas diyes pa ng gabi yung text message na yun na galing sa kanilang class president. Napamura si Nevermore at sinigaw niya bwiset na TM to nalate message pa yung mga text  .

 AYOKO NANG MAG-ARAL NAY!!!!!!!!!!!!!


No comments:

Post a Comment